Wikang Pambansa: Daan Tungo sa Pagkakaisa at Kaunlaran ng Bayan
Ang wika ay hindi lamang mga salitang ating binibigkas. Ito ay buhay — isang patunay ng ating pagkatao at pinagmulan. Bilang isang Grade 11 student, napagtanto ko na ang Wikang Pambansa ay hindi lang simpleng asignatura sa paaralan. Ito ay isang sagradong bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino, at higit pa rito, ito ang daan tungo sa pagkakaisa at kaunlaran ng bayan. Sa ating henerasyon ngayon, kung saan mabilis ang pag-usbong ng teknolohiya at globalisasyon, unti-unti nang nahahalo ang ating wika sa mga banyagang salita. Madalas nating marinig ang “Taglish,” at minsan, nakakalimutan na natin ang tunay na ganda ng wikang Filipino. Ngunit bilang kabataan, naniniwala ako na tungkulin naming ipagmalaki, gamitin, at ipagpatuloy ang pagpapayabong ng sariling wika. Sa simpleng paraan ng paggamit nito sa pakikipag-usap, pagsusulat, at pag-aaral, naipapakita namin ang paggalang at pagmamahal sa ating kultura. Ang Wikang Pambansa ay tulay ng pagkakaunawaan sa kabila ng ating pagkak...