A | B | K | D | E | G | H | I | L | M | N | Ñ | NG | O | P | Q | R | S | T | U | W

September 27, 2012

Gamit ng "Nang" at "Ng"

"NANG"

(1) Inilalagay sa gitna ng mga salitang-ugat, mga pawatas, o mga pandiwang inuulit nang dalawang beses.
mga halimbawa: dasal nang dasal, kanta nang kanta (salitang-ugat)
                          mag-ipon nang mag-ipon (pawatas)
                          nagsayaw nang nagsayaw (pandiwa)

(2) Nagsasaad ng dahilan, paraan, at oras ng kilos. Sumusunod sa mga pandiwa o mga pang-abay, at sumasagot sa mga tanong na "Paano? Kailan? at Bakit?"
mga halimbawa:
-Nag-aaral nang tahimik ang mga estudyante.
        Tanong: Paano nag-aaral ang mga estudyante?
        Sagot: Nang tahimik.
-Umuwi bigla si Marvin nang umulan.
        Tanong: Kailan umuwi si Marvin?
        Sagot: Nang umulan.
-Magtulog ka na nang magising ka nang maaga bukas.
-Madalas kaming maglaro ng patintero nang kami ay bata pa.

(3) Kapalit ng pinagsamang "na at ang", "na at ng", o "na at na"
-Sukdulan nang kahirapang ito! (Sukdulan na ang kahirapang ito!)
-Sila ay nagsama nang tuluyan (Sila ay nagsama na ng tuluyan)
-Tumigil ka nang manigarilyo. (Tumigil ka na na manigarilyo)


"NG"

(1) Sumusunod sa mga pangngalan.
-Nagbabasa ng  libro    si TinTin.
                     (pangngalan)
-Gumuhit siya ng larawin.
(pangngalan) 

(2) Sumusunod sa mga pang-uri.
-Nagbabasa ng makapal na libro si TinTin. / Nagbabasa ng librong makapal si TinTin.
                                (pang-uri)
-Nagluto ng masarap na hapunan si Nanay kagabi.

                          (pang-uri)
                            

(3) Sumusunod sa mga pang-uring pamilang.
-Nakapanood si TinTin ng tatlong pelikula kahapon.
                                                 (pamilang)
-Nagsampay ako ng isang dosenang damit kanina.

                                   (pamilang)
   

Antas: (1 < 5)

6 komento:

Maraming salamat, nagsusulat kasi ako sa tagalog blog at medyo nahihirapan ako sa tamang gamit ng ng at nang.

Sa pangungusap na "Mayroon na na dalawa," ano ang dapat gamitin? Dapat ba ay "nang" para maging kapalit ng pinagsamang "na at na"? O "ng" dahil ito ay sinusundan ng pang-uring pamilang? Salamat po.

Genesis, it should be contracted to "na'ng". Margareth, I believe the rules under "NG" should read "Sinusundan ng..." instead of "Sumusunod sa". Thanks.

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More