A | B | K | D | E | G | H | I | L | M | N | Ñ | NG | O | P | Q | R | S | T | U | W

October 16, 2011

Pangngalan [Noun]

-tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari.


Tungkulin ng Pangngalan
(1) Pantangi - tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari, at iba pa. Nagsisimula sa malalaking letra.

mga halimbawa: Marvino, Tagpi, Quipo, EDSA I, Kastilla, sampaguita, Enero
(2) Pambalana - tumutukoy sa pangkalahatang ngalan o diwa. Nagsisimula sa maliliit na letra. mga halimbawa: dentista, lalaki, guro, hospital, bulaklak
(3) Tahas - tumutukoy sa bagay na materyal:
mga halimbawa: damo, lamesa, kable, libro
(4) Basal - tumutukoy sa diwa at kaisipan
mga halimbawa: ganda, bait, pag-asa, mahal, mura, galit
(5) Lansakan o Palansak - tumutukoy sa pagpapangkat ng pangngalan.
mga halimbawa: lahi, hukbo, tali, kumpol


Kayarian ng Pangngalan
(1) Payak - tumutukoy sa isang salita o isang morpema lamang.
mga halimbawa: aso, kama, tinapay, baso
(2) Maylapi - binubuo ng salitang-ugat at panlaping makangalan
mga halimbawa: kalayaan (laya, ka-, -an) 
                              kabukiran (bukid, ka-, -an)
(3) Inuulit -pag-uulit ng unang dalawang pantig (Parsyal na Inuulit) o pag-uulit ng isang buong salita nang dalawang bese (Ganap na Inuulit)
mga halimbawa: salit-salitan, bahay-bahayan (Parsyal)
                             dahan-dahan, unti-unti (Ganap)
(4) Tambalan -binubuo ng dalawang magkaibang salita na pinag-isa upang makabuo ng panibagong salita
mga halimbawa: kapitbahay (kapit + bahay)
                             bahaghari (bahag + hari) 
                             hampaslupa (hampas + lupa)




Gamit ng Pangngalan
(1) Kaukulang Palagyo - ginagamit ang pangngalan bilang: 


(a) simuno o paksa - ang pangngalan ay isang simuno kung ito ang pinag-uusapan o           paksa sa pangungusap
halimbawa:

(b) kaganapang pansimuno - nagpapakilala sa simuno; nasa kaganapang pangsimuno ang pangngalan kung ang pangngalan ay nasa bahaging panaguri.
                                                                                             
(c) pamuno sa simuno - nagbibigay impormasyon o ibang pangngalan sa simuno.
halimbawa:     
                                                                                                         
(d) pamuno sa kaganapang pangsimuno - nagbibigay impormasyon o ibang pangngalan sa kaganapang pansimuno
halimbawa:    

(e) pantawag - ang pangngalan ay ginagamit na pantawag sa pangungusap.
halimbawa:
      
(2) Kaukulang Palayon - ginagamit ang pangngalan bilang:

(a) layon ng pandiwa - tinatawag ding "tuwirang layon"; ang pangngalan ay nasa layon ng pandiwa kung ito ay tumatanggap ng kilos o kung ito ay laging sinusundan ng mga salitang nagpapahayag ng kilos. Sumasagot sa tanong na "ng ano?" o "na ano?"
halimbawa:


(b) layon ng pang-ukol - ang pangngalan ay sinusundan ng pang-ukol
halimbawa:
(c) Kaukulang Paari - nagpapakita ng pagmamay-ari.
halimbawa:  Si Jose Rizal ang may-akda ng "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo."
       


Antas: (1 < 5)

0 komento:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More