A | B | K | D | E | G | H | I | L | M | N | Ñ | NG | O | P | Q | R | S | T | U | W

October 16, 2011

Gamit ng mga Pananda

Tuldok (.) - inilalagay sa hulihan ng pangungusap na nagsasalaysay, nag-uutos, at nakikiusap.
mga halimbawa:   
Si Andres Bonifacion ang Ama ng Katipunan.
Basahin ninyo ng maayos ang tula.
Pakitawagan naman si Pito sa bahay nila.

Tandang Pananong (?)
 -ginagamit sa pangungusap na nagtatanong

mga halimbawa:
Kailan ang iyong kaarawan?
Sino ang matalik niyang kaibigan?
Saan ka pinanganak?

Tandang Padamdam (!)
- inilalagay sa pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin.

mga halimbawa:
Aray! Ang sakit ng tiyan ko.
Sunog! Sunog!
Saklolo!

Panipi (" ")
a) ginagamit upang bigyang diin ang sinasabi ng tauhan

halimbawa:
Ang sabi ni Rizal, "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makararating sa paroroonan niya." 

b) ginagamit upang ipakilala ng isang pamagat
mga halimbawa:
Ang "Florante at Laura" ay akda ni Francisco Baltazar.
"Lupang Hinirang" ang pamagat ng pambasang awit ng Pilipinas

Gitling (-)

a) ginagamit sa pangngalang inuulit
mga halimbawa: dahan-dahan, kanya-kanya, saan-saan,

b) sa ngalan ng tao, lugar, sagisag, at tatak ng isang bagay na may panlapi
mga halimbawa: maka-tao, maka-bayan, taga-Kalookan, pa-Visayas, mag-Sprite

c) sa mga numerong may panlaping "ika-"
mga halimbawa: ika-4 ng Enero, ika-6 ng hapon


d) sa mga katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salita
mga halimbawa: kutong-lupa, humigit-kumulang

e) sa salitang-ugat na nagsisimula sa patinig at may unlapi na nagtatapos sa katinig
mga halimbawa: nag-aral, mag-aabang, pag-ibig, pag-asa


f) sa pagsusulat ng fraction nang patitik
mga halimbawa: isang-kanim, tatlong-kapat


g) sa pinagsamang apelyido ng babae at ng kanyang asawa
mga halimbawa: Gloria Macapagal-Arroyo, Christine Dela Cruz-Lopez


h) sa salitang nahati sa dulo ng isang linya
mga halimbawa: Lubos na kinakabahan ang mga Pilipino sa nalalapit sa elekyon sa darating na ika-10 ng Mayo 2010.

Kuwit (,) - ginagamit bilang panghati sa mahahabang pangungusap na may dalawa o higit pang kaisipan.
mga halimbawa:
Ang edukasyon ay nagdudulot sa tao ng karunungan, kaunlaran, at kasiyahan.

Antas: (1 < 5)

0 komento:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More