A | B | K | D | E | G | H | I | L | M | N | Ñ | NG | O | P | Q | R | S | T | U | W

October 16, 2011

Bahagi at Ayos ng Pangungusap

Bahagi ng Pangungusap

Simuno
- ang paksa; binibigyang impormasyon ng panaguri
Panaguri - nagbibigay impormasyon tungkol sa paksa. Nagsisimula sa katagang "ay" sa di-karaniwang ayos ng pangungusap



Ayos ng Pangungusap

(1) Karaniwang Ayos ng Pangungusap - nauuna ang panaguri sa simuno, at walang katagang "ay" sa pangungusap.
mga halimbawa: 
    Ang "Ibong Adarna" ang paboritong libro ni Andres.                                                     
    Tumutulong ako sa aking mga magulang.                                                    
    Nakatatalino ang pagbabasa ng maraming libro.
    Itataas ang nagpapakumbaba, at ibababa ang nagmamataas.
    Nagpapalakas ng buto ang pag-inom ng gatas sa umaga.

(2) Di-Karaniwang Ayos ng Pangungusap - nauuna ang simuno sa panaguri; ginagamit palagi sa pangungusap ang katagang "ay".
mga halimbawa: 
    Ang paboritong libro ni Andres ay ang "Ibong Adarna."
    Ako ay tumutulong sa aking mga magulang.
    Ang pagbabasa ng libro ay nakatatalino.
    Ang nagpapakumbaba ay itataas, at ang nagmamataas ay ibababa.
    Ang pag-inom ng gatas sa umaga ay nagpapalakas ng buto.

Antas: (1 < 5)

1 komento:

It has helped me a bit ..... cuz I do not understand those examples at first sight ... need to be understood more thoroughly

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More